Posibleng magsimula sa Mayo 17 ang proklamasyon ng mga magwawaging senador at partylist sa katatapos lamang na halalan.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, gaganapin ang proklamasyon sa Manila Hotel Tent City.
Samantala, tinukoy naman ng COMELEC ang 19 na kandidatong hindi muna ipo-proklama sakaling manalo sa halalan dahil sa mga nakabinbing disqualification case ng mga ito.
Kabilang dito sina Congressional candidate Marcy Teodoro, Matt Florido, Philip Fortuno; Gubernatorial at Vice Gubernatorial candidates na sina Ronald Rodriguez, Gerardo Noveras, Christine Noveras, at Christian Noveras.
Gayundin sina Mayoral at Vice Mayoral candidates Fatima Salih, Belshezzar Abubakar, Aquino Romato, Jeryll Respicio, Ricardo Yanson, Mando Taha; at Councilor Candidates Darwin Sia, Menandro Buenafe, James Macasero, Dani Mando, at Isaias Noveras.—sa panulat ni John Riz Calata