Inaayos na ng Department of Information and Communications Technology ng isang “war room” kasama ang Commission on Elections para subaybayan at laban ang mga ang mga maling impormasyon at fake news sa pagsapit ng ‘May 12’midterm polls.
Ayon sa DICT, magsisilbilbing real-time digital command post ang 24-7 threat monitoring center para sa labanan ang mga fake news at upang maprotektahan ang mga balota ngayong digital age.
Patatakbuhin ng departamento ang nasabing command post sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Ginawang operational ng CICC ang threat monitoring center sa loob ng dalawang araw sa ilalim ng officer-in-charge nito na si DICT Assistant Secretary Renato Paraiso.
Binigyan-diin naman ni COMELEC Chairman George Garcia na makakatulong ang center na pigilan ang pagkalat ng maling impormasyon sa cyberspace bago ang midterm polls.—sa panulat ni Kat Gonzales