Alam naman nating lahat na kritiko ang mga Pilipino pagdating sa politika. Pero ano nga ba ang opinyon ngayon ng taumbayan pagdating sa mga lider ng bansa? Negative o positive?
Kung ano ang say ng mga Pilipino, eto.
Inilabas na ng Octa Research ang resulta ng isinagawa nilang Tugon ng Masa (TNM) survey mula April 2-5 kung saan makikita ang trust ratings ng top government officials ng bansa.
Pinangungunahan ito ni President Ferdinand Marcos Jr. Na nakakuha ng pinakamataas na trust rating na 60% at 59% na performance satisfaction rating.
Sumunod dito ay si Vice President Sara Duterte na nakakuha ng 58% trust rating at 56% performance satisfaction rating, 55 at 53 percent naman kay Senate of the Philippine President Chiz Escudero, habang 54 at 55 percent ang nakuha ni House of Representatives Speaker Martin Romualdez, at 5% kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Ayon sa Octa Research, tuluy-tuloy ang ibinibigay na suporta at tiwala ng karamihan sa mga adult Filipinos kay PBBM.
Sinabi naman ng pangulo sa isang pahayag na maganda na malaman niya ang resulta ng survey dahil patuloy itong nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon dahil patunay ito na nagkakaroon ng magandang progreso ang bansa.
Dagdag pa ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, anuman ang resulta ng survey, patuloy pa ring magsusumikap ang presidente sa pagkilos at pagpapabuti sa kalagayan ng bansa para sa mga Pilipino.
Samantala, isinagawa ang survey sa 1,200 respondents edad 18 pataas mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ikaw, anong opinyon mo sa resulta ng bagong survey na ito?