Maaaring imbestigahan at i-disqualify ng Commission on Elections ang mga kandidato na mapatutunayang tumatanggap ng pondo at tulong mula sa mga dayuhan.
Sinabi ito ni COMELEC Chairman George Garcia, sa pagdinig ng Senado kaugnay sa mga sinasabing spying activities, at pag-impluwensya sa darating na halalan sa bansa.
Maaari aniyang maging grounds ng disqualification kapag napatunayang tumatanggap ang isang kandidato ng financial assistance mula sa foreign entity o national.
Motu propio o kusa at sariling desisyon aniya ng poll body ang pag-iimbestiga sa foreign funding sa kandidato.
Kapag nanalo naman ang kandidato, maaari itong hindi iproklama ng COMELEC ngunit kapag napatunayan ang pagtanggap ng pondo matapos ang proklamasyon, dadaan na ito sa korte.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)