Iginiit ng Department of Education na kailangan nang malinang ang literacy skills ng mga batang Pilipino mula kindergarten hanggang ika-tatlong baitang.
Ayon sa DEPED, layon nitong bigyang-pansin sa maagang panahon ang foundational skills ng mga mag-aaral tulad ng literacy, numeracy, at socio-emotional skills.
Nabatid na lumutang sa pagdinig ng Senado ang datos ng Philippine Statistics Authority kung saan aabot sa halos 19 na milyong Pilipino ang nagtapos ng junior at senior highschool ang hirap umunawa.—sa panulat ni Mark Terrence Molave