BINIGYANG DIIN ni Sen. Christopher “Bong Go” ang kahalagahan ng paglalaan ng sapat na pondo para sa healthcare programs, kabilang ang pagtugon sa cancer, tuberculosis, at mental health disorders.
Ang pahayag ay ginawa ni Go sa Committee on Finance hearing para sa budget ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Setyembre 28.
“We must also give enough focus and ensure funding for our programs to address other diseases such as cancer, tuberculosis, and mental health disorders,” ani Go.
Aniya, nasa P500 milyon ang inilalaang Cancer Assistance Fund (CAF) para ngayong taon sa pamamagitan ng collective efforts ng mga mambabatas noong nakaraang taon.
Kaya isinusulong ni Go na doblehin ito o gawing P1 bilyon para sa susunod na taon.
Gayunman, nagpahayag ng pagkabahala si Go sa iniulat na underutilization ng pondo.
“Pakisilip po ninyo ito. Sa dami ng cancer patients na nangangailangan ng tulong, sigurado naman pong mauubos yan at hindi katanggap-tanggap na hindi ninyo magastos ang pondo sa pagtulong sa kanila,” sabi ni Go.
Iginiit ni Go na dapat pa rin patuloy na pataasin ang budget para sa cancer assistance fund.
“Talagang pipilayan ang pamilya tuwing nagkakanser ka, pilay na po ang inyong pamilya, halos hindi na po nakakatrabaho ‘yan, nakafocus na po sa pagpapagamot,” wika ni Go.
Sinasabing ang panawagan ni Go para sa funding increase ay naka-angkla sa National Integrated Cancer Control Act (NICCA), sa ilalim ng Republic Act No. 11215, na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.
“The more na dapat po ay dagdagan natin ang pondo para sa cancer assistance fund, the more we should invest sa ating healthcare system,” giit ni Go.
Punto ni Go, mahalagang matugunan ang ‘gap’ sa cancer treatment at ang kakayahan ng mga nangangailangan nito.
“It is for this reason that he continues to advocate for a larger allocation for the CAF and recognizes that every peso invested in cancer assistance is an investment in the health and well-being of countless individuals and their families,” ayon sa senador.
Paliwanag pa ni Go, suportado niya rin ang proposed cancer fund para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na isa sa mga proyekto ng yumaong si Secretary Susan “Toots” Ople ng Department of Migrant Workers (DMW).
“This initiative highlights the urgent requirement to offer aid and compassion to the modern-day heroes who are confronting cancer while working far away from their homes,” dagdag pa ni Go.