Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

2 babaeng turistang nameke ng resulta ng swab test patungong El Nido, Palawan sasampahan ng kaso

by DWIZ 882 February 20, 2021 0 comment
El Nido, Palawan

Nakatakdang kasuhan ang dalawang babaeng turista mula Metro Manila dahil sa pamemeke umano ng swab test results para makapasok sa El Nido, Palawan.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang dalawang babae ay hinuli ng mga awtoridad sa Lio Airport sa El Nido matapos matuklasan na palsipikado ang petsa ng specimen collection ng kanilang RT-PCR test results.

Agad na dinala sa isang hotel ang mga suspek para isalang sa pitong araw na quarantine at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment