Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Nasawi sa pag-inom ng nakalalasong lambanog nadagdagan pa

by DWIZ 882 December 23, 2019 0 comment
LAMBANOG-1

Nadagdagan pa ang mga nasawi dahil sa pag inom ng nakalalasong lambanog sa Rizal, Laguna.

Umabot na sa 12 ang namatay dahil sa pagkunsumo ng lambanog kung saan pinakahuling nadagdag si Analyn Lanka.

Habang mahigit 200 pa rin ang nasa mga ospital.

Kaugnay nito, ipinagbabawal na ang pagbebenta ng lambanog sa buong Region 4-A o Calabarzon batay sa naging kautusan ni Calabarzon Police Chief Police Brig. General Vicente Danao Jr.

Una nang ipinagbawal sa buong probinsiya ng Laguna ang pagbebenta ng lambanog kasunod ng naturang insidente.

 

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment