Home NATIONAL NEWS Pag-object ng kampo ni VP Sara sa pagbabalik ng impeachment trial, inaasahan na ng prosekusyon

Isa pang shabu lab sinalakay ng PDEA sa Malabon

by DWIZ 882 April 13, 2018 0 comment
pdea (1)

Isa pang illegal drugs laboratory ang sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Tinajeros Malabon.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino resulta ito ng kanilang follow up operations matapos nilang salakayin ang shabu lab sa Sto. Niño Ibaan, Batangas kung saan walo (8) katao na kinabibilangan ng apat na Intsik ang naaresto.

Sinabi ni Aquino na parehong pinatatakbo ng golden triangle syndicate ang dalawang illegal drugs laboratory.

Gayunman, sinasabing mas marami silang nakumpiskang kemikal sa Malabon na ginagamit sa paggawa ng ecstasy.

 (Ulat ni Jill Resontoc)

 

 

 

 

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment