Itinanggi ng DepEd ang umano’y inilabas nilang waiver na nagsasabing walang pananagutan ang kagawaran kung dadapuan ng COVID-19 ang mga kalahok sa face to face classes.
Ayon kay DepEd Undersecretary Toni Umali walang ganitong polisiya ang deped para sa magulang, estudyante at guro
Kung meron man aniyang rehiyon o lugar sa bansa na nag-iisyu ng waiver ito ay hindi sa buong pilipinas at hindi mula sa departamento.
Sinabi pa ni Umali, na pag-aaralan ng maigi ng ahensya ang naturang waiver at tiyak aniyang hindi ipatutupad ang nakasaad rito. —sa panulat ni Joana Luna