Tila blessing in disguise ang pagbu-book ng Uber car ng isang dialysis patient mula sa New Jersey dahil sinong mag-aakala na ang makukuha niyang driver pala ang magiging sagot sa tatlong taon na niyang hinihintay na kidney donor.
Kung naging matagumpay ang operasyon ng pasahero, eto.
Tatlumpung minuto ang itinagal ng byahe patungo sa bahay ng noo’y 71-anyos na si Bill Sumiel sa Salem, New Jersey habang sakay ng Uber matapos nito manggaling sa dialysis center.
Si Sumiel kasi, mahigit tatlong taon na palang naghihintay noon na magkaroon ng kindey donor.
Habang nasa byahe, naibahagi ni Sumiel ang kaniyang pinagdaraanan sa dating army veteran na naging Uber driver na si Tim Letts na noo’y 31-anyos. Sa sobrang komportable ng naging byahe, naging instant friends pa ang dalawa.
Pero sinong mag-aakala na nang dahil lang sa maigsing byahe na yon ay magbabago ang buhay ni Sumiel at magkakaroon siya ng instant donor?
Ang driver na si Letts, walang pagdadalawang-isip na i-dinonate ang kaniyang kidney kay Sumiel matapos ma-inspire sa pagiging genuine nito. Sa sobrang masiyahin ng pasahero, hindi umano halata na mayroon itong iniindang sakit.
Matapos sumailim ni Letts sa mga tests, matagumpay na dumaan si Sumiel sa kidney transplant at muling namuhay nang normal sa tulong ng isang etsranghero.
Nang dahil sa maigsing byahe, nakahanap ng panghabangbuhay na pagkakaibigan si Sumiel at Letts sa isa’t isa. Naging konektado na ang buhay ng dalawa hindi lang dahil sa kidney donation kundi dahil consistent pa rin ang mga ito sa pag-uusap kahit na lumipat na si Letts sa Germany.
Ikaw, kaya mo rin bang gumawa ng impulsive decision para lang mailigtas ang isang tao kahit na hindi mo ito kilala?