Nilinaw ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na walang naging pagkaantala sa transmission ng mga boto ng halalan, taliwas sa mga kumakalat na alegasyon.
Ayon kay COMELEC Chairman Garcia, ang transmission ng boto ay nagsimula bandang alas-siyete ng gabi matapos ang pagsasara ng mga voting precincts, alinsunod sa tamang proseso.
Ipinaliwanag niyang ang mabilis na paglalabas ng partial at unofficial results ay dahil sa mas pinaigting na teknolohiya at preparasyon ng komisyon.
Dagdag pa niya, mas naging maayos at mabilis ang proseso kumpara sa mga nakaraang eleksyon, bunga ng koordinasyon sa mga election officers at partner agencies.
Ang pahayag ni Garcia ay tugon sa mga haka-haka at espekulasyon na lumalabas sa social media hinggil sa sinasabing pagkaantala ng resulta ng halalan.
Binigyang-diin ng poll body na patuloy silang magiging transparent sa proseso at bukas sa anumang imbestigasyon kung kinakailangan.