Binigyang-diin ng isang psychologist na malaki ang epekto sa tiwala ng mamamayan ang mga isyung may kinalaman sa katiwalian, lalo na kung ito ay kinasasangkutan ng mga lokal na lider.
Ayon kay Dra. Camille Garcia, bagama’t nagiging mas mapanuri ang mga Pilipino, madali pa rin silang magpatawad at makalimot, dahilan para magpatuloy ang cycle ng korapsyon sa bansa.
Dagdag pa niya, ang nepotismo, patronage politics, at kultura ng utang na loob ay patuloy ding nakakaapekto sa pagpili ng mga botante, kaya’t nananatiling hamon ang pagkakaroon ng tunay na pananagutan sa gobyerno.