Nananatili sa status quo ang UAAP.
Sa kabila ito nang pag-terminate o pagtapos na ng NCAA policy board sa 95th season nito dahil sa COVID-19.
Ayon kay UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag mananatili sa status quo ang UAAP na nangangahulugang ang liga ay mag-o-operate sa ilalim ng mga kaparehong kondisyon na nakasaad sa kanilang memorandum na inisyu nitong nakalipas na march 14.
Nakasaad sa nasabing memo ang pagkansela ng UAAP sa lahat ng mga event nito sa high school at maging sa kolehiyo at magre-resume na lamang ito kapag ibinalik na rin ang pasok ng mga estudyante sa April 15 at inalis na ang probisyon hinggil sa mass gatherings.
Makalipas nito ay saka lamang tututukan ng UAAP ang alternatibong format ng kumpetisyon na magsisimula sa Mayo 1.