Mas makabubuti kung muling magpasuri sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III, matapos na magpositibo sa naturang virus ang isa sa miyembro ng gabinete nito.
Ayon kay Sotto, napakahalaga na palagiang pagtiyak na maayos na kalusugan ng pangulo.
Una nang sinabi ni Senator Christopher Bong Go na tumanggi si Pangulong Duterte na muling sumailalim sa COVID-19 test sa kabila ng pagpositibo ni DILG Secretary Eduardo Año.