Ibinunyag ni Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform Chairman Francis “Kiko” Pangilinan na patuloy pa rin ang talamak na smuggling at iba pang anomalya na nangyayari sa agriculture sector.
Ayon kay Senador Pangilinan, karamihan sa mga nasa likod ng mga nasabing anomalya ay mula sa China, na may kasabwat umano sa Bureau of Customs at iba pang kaukulang ahensya.
Kabilang anya sa mga ginagawang pandaraya ng mga ito ay ang paggamit ng mga dummy corporations at pagmamanipula sa mga phytosanitary clearance.
Kaugnay nito, umasa naman si Senador Pangilinan na sa pamumuno ng bagong Customs Commissioner at sa pagpapatibay ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Council ay maaayos ang sistema at matutukoy ang mga sindikatong nasa likod ng mga anomalya.




