Umabot sa mahigit 600 pasyente ang nabigyan ng serbisyo kabilang ang medical check-up, dental procedure, at blood test sa naganap na medical mission ng SM Foundation sa General Trias, Cavite.
Nagsagawa ng medical mission ang SM Foundation sa Lungsod ng General Trias, Cavite noong Mayo 2, bilang bahagi ng patuloy nitong programang pangkalusugan na inilunsad noong 2001.
Umabot sa mahigit 600 pasyente ang nabigyan ng serbisyo kabilang ang medical check-up, dental procedure, at blood test. Nag-deploy din ang foundation ng mobile clinic para sa libreng X-ray at ECG.
Namigay rin sila ng libreng gamot at bitamina sa ilalim ng programang “Gamot Para sa Kapwa.” Ayon sa tala, higit 1.2 milyong Pilipino na ang natulungan ng kanilang mga medical mission sa buong bansa.
Sa tulong ng mga volunteers, nagkaroon rin ng free eye-check up ang mga benepisyaryong dumalo ng medical mission.
Bumyahe rin ang Mobile Clinic ng SM Foundation upang maghatid ng librang x-ray at ECG.