Posibleng bumaba ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Ito ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, matapos makitaan ng potensyal na pagbaba sa generation at transmission charges.
Base anya sa preliminary data, sanhi ng matatag sa presyo sa spot market ang pagbaba ng generation charge at dahil walang pangunahing planta na nakaranas ng shutdown sa panahong ito.
Bumaba rin ang transmission charge dahil sa matatag na presyo sa reserve market.
Gayunman, binigyan-diin sinabi ni Zaldarriaga na hindi pa tiyak ang kabuuang singil dahil hindi pa kasama ang iba pang bayarin.
Nabatid na ang singil sa koryente noong abril ay tumaas ng 72 centavos per kilowat-hour dahil sa mas mataas na transmission charges.—sa panulat ni Kat Gonzales