Iginiit ng isa sa mga bumuo ng 1987 Constitution na hindi maaaring i-dismiss ng Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte nang walang paglilitis.
Ayon kay Constitutionalist Atty. Christian Monson, labag sa charter ang pagbabasura sa impeachment ng bise presidente.
Tungkulin anya ng Senado na ipagpatuloy ang paglilitis sa ilalim ng konstitusyon kahit pa magkaroon ng resolusyon hinggil dito.
Nabatid na inamin ni Senador Ronald Dela Rosa na nagmula sa kaniyang tanggapan ang kumalat na draft resolution na naglalayong ibasura ang impeachment case laban kay VP Sara.




