Sinabi ni presidential aspirant Sen. Panfilo “Ping” Lacson na siya ay naka-isolate matapos ma-expose sa COVID-19.
Sa twitter post ni Lacson, sinabi nitong nakakaranas siya ngayon ng sore throat o pananakit ng lalamunan na isa sa mga sintomas ng COVID-19 matapos magpositibo sa COVID-19 ang kasambahay ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan na kaniyang nakasalamuha.
Ayon kay Lacson, fully vaccinated na siya at naturukan narin ng ikatlong dose gamit ang Moderna vaccine.
Sa ngayon, hinihintay nalang ni Lacson ang resulta sa kaniyang swab test. —sa panulat ni Angelica Doctolero