Pinataob ng Sacramento Kings ang Houston Rockets sa NBA sa iskor na 126-114.
Tinambakan ng Kings ang Rockets sa ikalawa hanggang ika-apat na quarter dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Nanguna sa koponan si point guard De’arron Fox na nakapagtala ng 27 points, 6 rebounds at 8 assists habang nakaambag din sa kanilang panalo si center-power forward Marvin Bagley III na nagpakawala ng 26 points, 13 rebounds, 1 assists.
Abangan naman bukas ang ikalawang paghaharap sa NBA court ng dalawang koponan alas-siete ng umaga, oras sa Pilipinas. –Sa panulat ni Angelica Doctolero