Naghain ng resolusyon si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na nagpapaabot ng pakikiramay sa vatican at pakikidalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis.
Sa inihaing Senate Resolution no. 1342 ni Sen. Estrada, binigyang diin na naging simbolo ng pagpapakumbaba, compassion at social justice ang yumaong Santo Papa.
Dagdag pa ng Senador, laging binibigyang halaga ng tinaguriang “The people’s pope,” ang pagkalinga sa mga mahihirap, pagsusulong ng kapayapaan at pangangalaga sa kapaligiran.
Naghatid din aniya ng pag-asa ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015, na panahong nagluluksa ang bansa dahil sa matinding pinsalang idinulot ng super Typhoon Yolanda.
Binigyang diin pa ni Sen. Estrada na malaking kawalan sa catholic community at sa sangkatauhan ang pagyao ni Pope Francis.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)