Isang Filipino photographer ang na-miss ang opportunity na personal na maparangalan sa ikalawang pagkakataon sa isang international awarding ceremony nang dahil sa denied na visa
Kung ano ang buong kwento, eto.
Nakatanggap ng imbitasyon ang Filipino photojournalist na si Noel Celis na dumalo sa World Press Photo (WPP) sa amsterdam para tanggapin ang Golden Eye Award na napanalunan ng kaniyang entry na “Four Storms, 12 Days.”
Ipinapakita sa mga litrato ang naging karanasan ng mga Pilipino nang sunud-sunod na hagupitin ang bansa ng bagyong Marce, Nika, Ofel, At Pepito, bago nagtapos ang 2024.
Pero hindi naka-attend si Celis sa nasabing awarding.
Ibinahagi niya sa kaniyang social media account na na-deny ang kaniyang visa dahil wala itong naipakitang mga dokumento na magpapatunay na isa siyang empleyado dahil freelance work ang mga kasalukuyan niyang tinatanggap.
Dahil dito, pinaghinalaan ang photographer na baka mag-TNT o “tago nang tago” ito sa Amsterdam, o ‘yung pagtatrabaho sa ibang bansa nang walang mga legal na dokumento.
Pero nilinaw ni Celis sa kaniyang post na hindi siya nag-apply ng tourist visa, sa halip ay imbitado siya at isa pa ngang awardee.
Sumali si Celis sa WPP para ipakita sa buong mundo ang isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga Pilipino. Dagdag niya pa, makita lang daw ng mas malaking audience ang mga litrato ay isa nang accomplishment para sa kaniya.
Samantala, hindi ito ang unang beses na nakatanggap ng award si Celis mula sa WPP dahil noong 2017 ay nanalo ng 3rd prize ang kaniyang entry na “The Philippines’ Most Overcrowded Jail.”
Sa muling pagkapanalo niya ngayong taon, napabilang si Celis 42 regional winners na napili ng jury mula sa 3,778 photographers na lumahok mula sa 141 mga bansa.
Gayunman, sinabi ng award-winning photographer na ipapadala na lang ng WPP ang kaniyang panibagong karangalan.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakapanghihinayang na naranasan ng photographer?