Magpapakalat ang Philippine National Police ng mahigit dalawampu’t limang libong pulis sa mga pampublikong sementeryo, memorial park, at columbaria sa buong bansa bilang paghahanda sa paggunita ng Undas 2025.
Bukod dito, ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Randulf Tuaño, magtatayo sila ng mahigit 5,200 police assistance desk.
Makakasama rin sa kanilang operasyon ang mahigit walong libong tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection, at mahigit 22,000 force multiplier.
Dahil aabot sa mahigit 56,000 ang kabuuang bilang ng mga ide-deploy na otoridad sa buong bansa bilang bahagi ng full alert status ng mga ito para sa kaayusan at kaligtasan ng publiko.
Siniguro naman ng PNP na mananatili silang alerto sa mga sementeryo, gayundin sa mga terminal at pantalan, lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero para sa paggunita ng Undas.