Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon hinggil sa pagkakadawit ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na sinuspinde kamakailan matapos mapasama ang pangalan nito sa 160 personalidad na itinuturing ‘persons of interest’ sa Percy Lapid Slay Case.
Ayon sa PNP, binabalangkas na nila ang naging broadcast ni Lapid hinggil sa mga alegasyong si Bantag umano ang pinatatamaan nito sa kaniyang programa.
Sinabi ng PNP na walang katiyakan na binanggit ni Lapid ang pangalan ni Bantag pero may isang broadcast na tinitignan ang kanilang ahensya na maaring si Bantag nga ang tinutukoy o pinatatamaan ni ka-Percy.
Inaalam narin ng PNP kung may pananagutan si Bantag sa pagkamatay ng ‘middleman’ na si Jun Villamor, matapos mahirapan umanong huminga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Sa ngayon, mas pinaigting pa ng PNP ang follow up investigation kaugnay sa naganap na krimen.