Dehado ang Pilipinas sa sinelyuhang trade deal nina Pangulong Ferdinand Marcos Junior at U.S. President Donald Trump, partikular ang ipinataw na taripa ng Amerika sa Philippine exports.
Ayon sa political analyst na si Dr. Froilan Calilung, lugi ang Pilipinas sa isang porsyentong tinapyas sa taripa o 19 percent mula sa dating 20%.
Gayunman, zero percent naman taripa sa mga American products na i-e-export sa Pilipinas kaya’t hindi kikita ang gobyerno.
Iginiit ni Calilung na dapat nang pag-isipan ng Marcos administration ang maghanap ng ibang trade partner dahil isang indikasyon ang naturang kasunduan na harap-harapan nang ginugulangan ng Amerika ang Pilipinas.