Nagpasalamat sa gobyerno ng Japan at Japan International Cooperation Agency (JICA) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagsasakatuparan ng Metro Manila Subway project sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagiging active partners ng Japan, ay malaking tulong sa mga programa ng Pilipinas.
Sa naging pahayag ni Matsuda Kenichi, minister at Deputy Chief of Mission ng embahada ng Japan sa Pilipinas, ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay maituturing na isang “reliable partnership.”
Tiniyak din ng Japan ang kanilang suporta at kooperasyon sa mga plano at programa ng administrasyong Marcos na maituturing na isang “legacy project” upang magkaroon ng “japan-quality” public transportation systems ang Pilipinas.