Home NATIONAL NEWS Lacson, kinuwestyon ang umano’y “illegal reclamation” sa bahagi ng Laguna de Bay na sakop ng Taguig

Paspasang pagsasailalim sa NCR sa Alert level 2, ipinagtanggol ng Palasyo

by DWIZ 882 November 6, 2021 0 comment
harry roque 2

Idinepensa ng Malakanyang ang biglaang pagbaba ng Alert level status sa National Capital Region mula sa Alert level 3.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang masama o mawawala sa mabilisang desisyong dahil maganda namang balita ito kumpara sa pagtataas ng Alert level status.

Mas marami anya ang mabibigyan ng pagkakataon na muling makapag-trabaho matapos maapektuhan ang mga negosyo ng napakahabang lockdown bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gayunman, muling ipinaalala ng palasyo na nasa kamay ng publiko kung magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.

Iginiit ni Roque na dapat manatiling maingat at sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols ang lahat upang maiwasan muli ang pagsirit ng COVID-19 cases. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Drew Nacino

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment