Naniniwala ang political analyst na si Professor Dennis Coronacion na hindi solusyon ang parusang kamatayan upang panagutin ang mga nasasangkot sa mga anomalya at guni-guning flood control projects.
Iginiit ni Prof. Coronacion ang naturang pahayag dahil sa sinasabing kawalan ng tiwala ng publiko sa due process ng batas, lalo na’t mahirap patunayan at panagutin ang mga senador at kongresista na dawit sa katiwalian.
Sa panayam ng DWIZ, duda si Prof. Coronacion na magiging maayos na deterrent ang death penalty, lalo na sa mga seryosong krimen.
Dahil dito, mas mainam anya na pagtibayin na lamang ang mga kasalukuyang mekanismo sa pagpapanagot sa mga tiwaling lingkod-bayan kaysa pagkitil sa kanilang buhay bilang parusa.