Suportado ni Senador Risa Hontiveros ang panukalang pansamantalang pagsuko kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy sa Estados Unidos matapos maghain ng extradition request ang Estados Unidos.
Ayon kay Sen. Hontiveros, alinsunod sa Philippines-US Extradition Treaty, maaaring dalhin si Quiboloy sa Amerika para litisin at pagkatapos ay ibalik sa Pilipinas upang harapin ang mga kaso rito.
Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong human trafficking, child at sexual abuse sa Pilipinas, habang may hiwalay na kaso ng sex trafficking, smuggling at fraud sa United States.
Ayon sa senadora, ginagamit ni Quiboloy ang kanyang yaman at impluwensya para iwasan ang pananagutan at takutin ang mga testigo. Giit niya, matagal nang naghihintay ng hustisya ang mga biktima sa Amerika at hindi dapat maantala ang kanilang laban.
Samantala, ipinadala na ng US sa Department of Justice ang mga dokumento kaugnay ng extradition request, ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez.
—Sa panulat ni Jasper Barleta