Pinawi ng malakanyang ang pangamba ng publiko at mga eksperto hinggil sa inaasahang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.
Kasunod ito ng isinusulong na panukala ng amerika na patawan ng buwis ang remittances ng mga foreign worker sa kanilang bansa.
Sinabi ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, na batay sa pag-aaral ng department of finance, hindi pa aabot sa isang porsyento o 0.3% lamang ang inaasahang epekto sa gross domestic product ng bansa sakaling mapirmahan ang panukalang batas.
Dalawampung porsyento lang din ng 4.4 milyong Overseas Filipino Workers sa amerika ang maaapektuhan, partikular ang mga non-US citizens, kabilang ang mga green card holders at may working visa.
Nilinaw rin ng DOF na hindi sakop ng kabuuang 41% ng remittance na natatanggap ng Pilipinas mula sa amerika dahil karamihan sa mga Pilipino ay idinaraan sa mga bangko ang kanilang transaksyon.