Binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kay Australian Prime Minister Anthony Albanese ang pagnanais nitong mapalakas ang agriculture and energy cooperation ng Pilipinas at Australia.
Ginawa ni Pang. Marcos ang pahayag sa kanilang naging bilateral meeting ni Albanese sa Sideline ng 2022 APEC Summit na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Ayon sa Punong Ehekutibo maraming kasunduang pang-ekonomiya na maaari aniyang mapaigting ng dalawang bansa partikular na pagdating sa agrikultura at renewable energy.
Bunsod nito, wala nang ibang detalye na inilabas ang Palasyo ukol sa dito.
Samantala, sinabi naman ng Office of the Press Secretary, na sinusuportahan ni Albanese ang panawagan ng Pangulo na kailangang tutukan ang pagresolba sa climate crisis, na siyang itinuturing na pangunahing problemang kinakaharap ng mundo.