Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na laging handa ang pamahalaan sa harap ng sunod-sunod na bagyong dumaraan sa bansa.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos makipagpulong sa mga tauhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at ilang ahensya ng gobyerno.
Aniya, kahit noong nasa Amerika siya ay tuluy-tuloy ang monitoring at koordinasyon niya sa mga kinauukulan ng pamahalaan.
Samantala, patuloy din aniyang nagsasagawa ng mga hakbang ang gobyerno para tiyaking may sapat na relief goods, nakahanda ang mga rescuers, at mabilis ang pagresponde sa mga nasalanta.