Sinuspinde ng indonesia ang Palm Oil Exports o paglalabas ng produktong mantika para i-import o ipasok sa ibang mga bansa bunsod ng domestic shortage ng cooking oil at mataas na presyo nito.
Ayon kay Coordinating Minister for Economic Affairs Airlangga Hartarto, sakop ng embargo o pagbabawal ay ang mga oilseed at iba pang produkto para sa edible oils.
Sa naging pahayag naman ni Indonesian President Joko Widodo, sa halos 60% ng palm oil sa buong mundo, one-third dito ay nako-consume ng kanilang domestic market.
Sinabi pa ni Widodo na sa ngayon, prayoridad ng kanilang gobyerno ang pagsuplay sa 270M
na mga residente sa kanilang bansa.