Tinawag ng Palasyo na may pagka-bayolente ang tugon ni Vice President Sara Duterte sa mga nagsusulong pa rin ng impeachment case laban sa kanya.
Sinabi ito ni Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, makaraang ihayag ni VP Duterte na handa siyang harapin ang impeachment para ipakita ang bloodbath o pagdanak ng dugo.
Umaasa si Usec. Castro na figure of speech lamang ito ng bise presidente at hindi literal.
Muling nanindigan ang palace official na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa impeachment case laban kay VP Sara.
Una nang sinabi ni usec. Castro na ang bilin ni pangulong marcos sa kaniyang gabinete pagkatapos ng eleksyon ay ituloy na ang trabaho at isulong ang mga programa ng gobyerno para sa kapakanan ng mga Pilipino.