Naniniwala si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na may pananagutan si Vice President Sara Duterte sa kinakaharap nitong impeachment case.
Ito, ayon sa mambabatas, ay dahil sa sinasabing kawalan ng malinaw na tugon sa mga isyung ibinabato sa kanya kaugnay ng paggamit ng confidential funds.
Kasunod ito ng pahayag ng tagapagsalita ng Bise Presidente na “technically defective” ang kaso at magdudulot lamang ng pag-aaksaya ng pondo ang impeachment trial.
Ayon kay Rep. Diokno, nagkaroon na ng maraming pagkakataon si V.P. Sara upang ipaliwanag ang mga isyu, ngunit hindi pa aniya nasasagot ang mga ito nang direkta.
Gayunman, iginiit ng kongresista na higit na mas mahalaga ang pagpapanagot sa mga opisyal at ang pagpapanatili sa tiwala ng publiko.
—sa panulat ni John Riz Calata