Matapos ang halos dalawang taong pagkaantala, sinimulan na ang pagtatayo ng Ortigas Station ng Metro Manila Subway Project sa Pasig City, malapit sa Meralco Avenue.
Kasama ni Acting Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez si Pasig City Mayor Vico Sotto sa inspeksiyon ng lugar, kung saan nagsimula na ang demolisyon ng ilang establisimyento at nakaantabay na ang mga equipment.
Ayon kay Lopez, dapat noong Oktubre 2022 pa nagsimula ang proyekto pero naantala dahil sa usapin sa right-of-way. Target matapos ang istasyon sa loob ng tatlong taon at maging operational sa loob ng limang taon.
Tiniyak ng DOTr na 95% ng right-of-way issues ay nalutas na. Ang Metro Manila Subway ang kauna-unahang underground railway system ng bansa na sinimulan noong 2019.