Hindi pa napapanahon na tanggalin ang COVID-19 alert level system sa bansa.
Ayon kay acting presidential spokesman Karlo Nograles, kahit mataas ang vaccination rate sa Metro Manila, kailangan pa ring paigtingin ang pagbabakuna sa iba pang mga rehiyon.
Aniya, hindi pa rin batid ng bansa kung magkakaroon ng mga bagong variant ng COVID-19 na maaaring mag-trigger ng panibagong surge.
Sinabi pa ni Nograles na mas dapat na talakin ngayon kung kailan magiging handa ang bansa na mailagay sa alert level 1.