Posibleng umabot pa hanggang Hunyo 30 bago maresolba ng Commission on Elections ang mga petisyon kaugnay sa diskwalipikasyon ng mga kandidato sa 2025 midterm elections.
Ito ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia ay matapos maghain ng disqualification case ng taskforce baklas sa limampung kandidato na lumabag sa tamang sukat ng mga campaign poster at material.
Nilinaw ni Chairman Garcia na ang paghahain ng disqualification case ay hindi nangangahulugang diskwalipikado na ang isang kandidato.
Samantala, inaasahan ng poll body na darami pa ang disqualification petitions mula sa publiko sa araw ng halalan.
Nabatid na kahapon, Mayo 10 nang isagawa ng COMELEC ang “Oplan Baklas, o ang pagtanggal sa mga campaign posters ng mga kandidato sa huling araw ng campaign period.—sa panulat ni John Riz Calata