Home RONDA PROBINSYA Philippine eagle, natagpuang patay malapit sa power line sa Misamis Oriental

Pagpapatuloy ng TCT Program ng DSWD, hindi pa natitiyak

by DWIZ 882 December 1, 2022 0 comment
TCT PROGRAM

Hindi pa matukoy ng pamahalaan ang pagpapatuloy ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, kailangan munang mag-usap ang mga opisyal ng Department of Budget and Management, Finance Department at National Economic and Development Authority upang malaman kung makapaglalaan pa nang panibagong pondo ang gobyerno.

Aniya, anim na buwan lamang ang itatagal ng TCT Program matapos maglaan ang pamahalaan ng mahigit P5-B panibagong pondo.

Layunin naman ng programa na makatulong sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino o mga benepisyaryo nito.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment