Iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang sinasabing tatlong taong pagkaantala sa pagbabasura ng 2016 dismissal order laban kay Senator Joel Villanueva.
Kaugnay ito ng pagkakasangkot ng senador sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam noong siya pa ang representative ng CIBAC Party-list.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, sisiyasatin ng kanilang tanggapan ang naging proseso ng kaso, lalo’t 2016 pa nang magsumite ng motion for reconsideration si Villanueva, ngunit 2019 lamang ito tuluyang ibinasura ni dating Ombudsman Samuel Martires.
Matatandaang si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang naglabas ng orihinal na dismissal order laban sa senador matapos itong madawit sa nasabing isyu.




