Tuluyan ng itinigil ng kumpanyang Samsung ang paggawa ng Galaxy Note 7 matapos ang reklamo ng mga pagsabog nito.
Ayon sa Samsung, ito ang naging pinal na desisyon ng kumpanya matapos ang sunod-sunod na reklamo ng pagkakasunog ng Galaxy Note 7 unit.
Pinayuhan naman ng kumpanya ang mga nakabili ng note 7 na palitan na lamang ng ibang unit.
Pahayag ng Samsung, ang tanging isinaalang-alang nila ay ang kaligtasan ng kanilang mga consumer kaya itinigil na ang produksyon.
By: Mariboy Ysibido