Bukas itutuloy ng kamara ang pagdinig hinggil sa annual report ng COA na nagdedetalye sa nakita nitong deficiencies sa paghawak ng DOH sa COVID-19 funds nito.
Hindi naman tinukoy ng House Committee on public accounts kung bakit inilipat bukas sa halip na ngayong araw na ito ang pagpapatuloy ng nasabing pagdinig.
Una nang naging emosyonal si Health Secretary Francisco Duque III sa naging pagdinig sa kamara dahil sa nasabing COA report.