Tuloy ang mas malakas na pagbubuga ng usok ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, sa nakalipas na 24-oras ay nagbuga ng moderate hanggang voluminous na usok na kulay dirty white ang nasabing bulkan.
Ang sulfur dioxide na inilabas nito ay tinatayang aabot sa 64 tons per day ang dami.
Nasa 123 volcanic earthquakes na pawang mahihina lamang ang naitala mula sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Binigyang diin ng PHIVOLCS na ang patuloy na paggalaw ng lupa ay nangangahulugag tuloy pa rin ang magmatic activity sa loob ng Taal na nananatiling Alert Level 3 kaya’t posible pa rin ang malaking pagsabog, volcanic earthquakes, ash fall at lethal gas explosions.