Hiniling ng Department of Public Works and Highways ang halagang aabot sa limang-bilyong piso para sa malawakang dredging at desilting operations ng mga ilog at kanal sa buong bansa sa taong 2026.
Binigyang-diin ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na mahigit labinglimang taon nang hindi nalilinis ang mga daluyan ng tubig na nagiging dahilan anya ng patuloy na pagbaha sa mga mabababang lugar.
Plano rin ng ahensya na magsagawa ng mga proyekto upang maiwasan ang alegasyon ng katiwalian.
Dagdag pa ng kalihim, isusumite na niya sa susunod na linggo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng mga natapos at kasalukuyang flood control projects mula 2022.