Good news para sa mga motorista!
Matapos ang 11 linggong oil price hike sa bansa, asahan na bukas ang malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, aabot sa 11 pesos hanggang 11 pesos and 70 centavos kada litro ang rollback sa presyo ng diesel; habang p6 hanggang P6.20 kada litro ang bawas-presyo sa gasolina, at P8.70 hanggang P8.80 kada litro sa kerosene.
Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng department of Energy Oil Industry Management Bureau, positibo ang naging resulta ng negosasyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, at muling sumirit ang mga kaso ng COVID-19 sa China, kaya’t bumaba ang demand sa produktong petrolyo.
Simula aniya nang mag-umpisa ang taon, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tumaas na ng kabuuang P30.65, gasolina ng P20.35, at kerosene ng P24.90.