Nasa 70% na ng official ballots ang naimprenta na para sa Halalan 2022
Sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia, ito ay mula sa 67M na mga balota na gagamitin para sa national and local elections sa Mayo.
Samantala, kinumpirma ni garcia na nasa mahigit isandaang libo naman ng mga balota ang natukoy na depektibo.
Habang mayroon pang mga balota aniya ang patuloy na sinusuri pa.