Magpapakalat ang National Capital Region Police Office ng tinatayang dalawanlibo at limandaang pulis para tiyakin ang seguridad sa mga posibleng ikakasang Black Friday protest dahil sa sinasinasabing anomalya sa flood control projects.
Ayon kay NCRPO Public Information Office Chief Major Hazel Asilo, mahigit isanlibong pulis na ang naka-deploy sa mga lugar kung saan gaganapin ang mga kilos-protesta.
Kabilang dito ang Mendiola Peace Arch; Department of Public Works and Highways Central Office sa Maynila; Senate Building sa Pasay; at Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Nakaantabay naman ang iba pang mga pulis mula sa iba’t ibang police districts para sa agarang pagresponde sakali mang kailanganin ang mga ito.




