Nananatiling blangko ang NBI o National Bureau of Investigation kung sino ang kanilang kakasuhan sa pagkakapuslit ng 6.4 Bilyong Pisong halaga ng Shabu sa Bureau of Customs.
Ito ang ginawang pag-amin ni NBI Deputy Director for Investigative Services Vicente de Guzman sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa usapin kahapon.
Ayon kay De Guzman, hindi pa nila maatukoy kung sino ang kanilang kakasuhan kaya’t humingi pa sila ng dagdag na panahon upang maplantsa ang mga nararapat na kaso at kung kanino ito isasampa.
By Jaymark Dagala / Aileen Taliping