Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa Oplan Balik Eskwela 2022.
Ito ay para tiyakin na magiging ligtas ang muling pagbabalik ng 100% face-to-face classes sa bansa sa darating na Agosto.
Ayon kay Atty. Victor Nuñez, head of MMDA Traffic Discipline Office (TDO) – Enforcement, bilang kahandaan sa Academic Year 2022-2023, nangako ang kanilang ahensya na kanilang poprotektahan ang mga kabataan na bumibiyahe patungo sa kanilang eskwelahan.
Sinabi ni Nuñez na magsasagawa ng pagpupulong ang kanilang ahensya kung saan, ipapatawag ang mga School Administrator, Parent-Teacher Associations (PTA), at Local Traffic Bureau sa National Capital Region para pag-usapan o talakayin ang road safety checks sa mga school zones.
Nakikipag-ugnayan narin ang MMDA sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para bantayan ang mga motoristang madalas dumadaan sa mga paaralan.
Layunin nitong maprotektahan ang kaligtasan ng mga masusugatan sa gitna ng kalsada.
Bukod pa diyan, sinabi din ni Nuñes na kanilang pipinturahan ang pedestrian lanes sa mga bisinidad ng eskwelahan sa Metro Manila.